This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MUKHANG nagkamali ang isang PNP major na sinabing bagong talaga riyan sa lalawigan ng Batangas bilang hepe ng PNP-Traffic Management Group (TMG).
For the benefit of the doubt, gusto muna nating paniwalaan na baka ginagamit lang ng kung sino-sinong pulis ang pangalan ni Chief Insp. Jeymar Maravilla, kasi bagong talaga palang siya diyan sa Batangas City.
Si Major Maravilla nga raw ang bagong hepe ng Batangas TMG.
Ang nakarating sa ating reklamo, mayroong ilang ‘kolektong-pulis’ ang ginagamit ang opisina umano ni Major Maravilla na tarahan ng 1k-2k sa loob ng isang buwan ang bawat bus na dumaraan sa Batangas city.
Ang lupeeet mo boy?!
Parang dinaig pa ang may sosyo sa mga transport group! Walang tosgas pero ang gusto may takits?!
And take note, hindi lang bus, kundi maging mga jeepney, tricycle at baka pati mga UV Express.
Aba Major Maravilla, may alam ka ba riyan sa oplan pakilala ng ilang pulis mo riyan!?
What the fact!?
Parang Tazmanian devil na lahat ng daraanan ay kakatasan.
DILG Sec. Mar Roxas Sir, mukhang naghahanap ng mga magagalit sa ‘yo ang PNP-TMG Batangas!?
Mukhang dapat mong kastigohin itong PNP-TMG Batangas na balak pa yatang dungisan ang iyong pangalan ngayong nalalapit na ang iyong kandidatura?!
Mukhang gustong makatikim ng iyong disiplina ang mga kotong cops diyan sa Batangas?!
Sampolan mo kaya agad-agad, Sir!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com