Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Lloyd at Angelica, nagkasawaan na raw

 

UNCUT – Alex Brosas . 

012815 Angelica Panganiban lloydie

MEDYO hindi na kami na-shock nang mapabalitang hiwalay na raw sina Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz.

Just recently ay nasulat ni Tito Ricky Lo na hiwalay na ang showbiz couple pero wala namang sinabing dahilan.

Mukhang nagkakalabuan na nga sila dahil lately, napapansin naming hindi na masyadong active itong si Angelica sa kanyang Twitter account. Dati-rati ay palaging nagpo-post ang aktres ng mga ganap sa kanila ni Lloydie pero now ay wala na itong panahong mag-post.

Ang huling ipinost niya sa IG niya ay ang basag na salamin sa kanilang bahay. Since walang police report ay may mga naniwalang kilala ni Angelica ang may kagagawan niyon at hindi na siya nagsampa pa ng reklamo para hindi na siya maintriga.

Sino naman ang maglalakas-loob na gumawa niyon sa bahay niya gayong nasa exclusive subdivision siya, ‘no!

Anyway, marami naman ang humuhulang hindi naman magtatagal talaga ang relasyon ng dalawa, na hindi mauuwi sa wedding ang kanilang romance.

Kung true nga na hiwalay na sila, ano kaya ang posibleng dahilan? Third party? O nagkasawaan na?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …