Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nathaniel, pinakain ng alikabok ang Pari Ko’y

 

041815 nathaniel gerald shaina
Gerald Anderson, Marco Masa at Shaina Magdayao

00 fact sheet reggeeMAY karisma talaga ang mga bata kapag sila ang bida sa isang teleserye at ilang beses na itong napatunayan ng ABS-CBN lalo na ang Dreamscape Entertainment na ang forte ay pambata ang mga ipino-prodyus na programa tulad ng May Bukas Pa, Honesto, 100 Days, Wansapanataym at iba pa.

At ngayon, pambatang programa na naman ang may hawak ng pinakamataas na ratings ng ABS-CBN, ang inspirational drama series na Nathaniel ni Marco Masa.

Base sa datos mula sa Kantar Media noong Huwebes (Mayo 28), nakamit ng Nathaniel ang all-time high national TV rating nitong 37%, o mahigit doble ng katapat nitong programa sa GMA na Pari Ko’y (16.8%).

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Nathaniel dahil sa aksidente na muntik ikapahamak ni Abby (Yesha Camile), ginamit ni Nathaniel ang kanyang mga pakpak upang sagipin ang buhay nito. Maitatago pa nga ba ni Nathaniel sa lahat na siya ay isang anghel?

Paano nga ba maapektuhan ang kanyang misyon sa lupa kapag nalaman niya na si Rachel (Shaina Magdayao) at Paul (Gerald Anderson) ang tunay niyang mga magulang?

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na tagpo sa kuwentong magpapatunay na may kabutihan sa puso ng mga tao, Nathaniel, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …