Aries (April 18-May 13) Piliin ang pinakamainam sa mga oportunidad na dumarating. Makatutulong ito sa iyo.
Taurus (May 13-June 21) Ang iyong pang-unawa sa uri ng iyong paglalakbay ang iyong kailangan para makompleto ang iyong pakikibaka.
Gemini (June 21-July 20) Ang bintana ng oportunidad ay maluwag na nakabukas at nakahanda na para sa iyo.
Cancer (July 20-Aug. 10) Kung hindi ka na masaya sa iyong kinaroroonan, kunin na ang iyong mga gamit at ikaw ay lumisan.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Kailangan mong maging maagap sa darating na oportunidad dahil baka ikaw ay maunahan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Huwag munang tatanggap ng ibang obligasyon hangga’t hindi natatapos ang ibang mga isyu.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ano man ang iyong maging desisyon, bahagi ka pa rin ng ano mang posibleng mangyari.
Scorpio (Nov. 23-29) Ang landas ng pagkatuto ay hindi madali, ngunit ang bunga nito ay tiyak na magiging maganda.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Balansehin ang panahon sa trabaho at pamilya, tutulungan ka ng mga planeta sa iyong mga hangarin.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Pakiramdam mo ay hungkag ang iyong buhay ngunit umaasa kang mapupunuan din ito.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang mga nakaraan ay posibleng makatulong ngunit maaari ring bumagabag sa iyo.
Pisces (March 11-April 18) Piliing mabuti ang susunggabang oportunidad dahil kapag nagkamali ka ay tiyak na magdudulot ito ng sakit ng ulo sa iyo.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Katulad ng kasabihang “the early bird catches the worm.” Gumising nang maaga at huwag tatamad-tamad.
ni Lady Dee