G~Tang hali po SENYOR,
Sa dream ko po may babae po akung kasama tapoz masaya daw kame tapoz sa dream na yon umuulan. Refly nalang po thanks sir senyor Im RoBeRtO PaPa (09420505410)
To Roberto,
Ang nakita sa bungang-tulog mo na masaya kayo ng kasama mong babae ay maaaring compensatory dream at kadalasan ay kabaligtaran ang kahulugan nito. Maaaring ito ay pagnanasang ma-compensate ang kalungkutan o stress sa iyong waking life. Kung sa panaginip mo ay marahan ang paglalakad ninyo, nagsasaad ito ng marahan subalit mayroon namang steady progress. Ikaw ay naglalakbay o patungo sa iyong landasin sa pamamaraang may kompiyansa, dapat ding isaalang-alang ang iyong destinasyon.
Ang ulan sa panaginip ay maaaring simbolo ng paglilinis sa iyong troubles at problems. Ito ay maaari rin namang metaphor para sa tears, crying at kalungkutan. Nagpapakita rin ang panaginip mo ng mga pangyayaring bigla o hindi inaasahang magaganap. Maaaring makaranas ka ng ilang destructive at powerful emotions.
Laging manalig sa iyong pananampalataya at mabuting intensiyon at gawa. Higit sa lahat, laging magtiwala sa kapangyarihan ng Diyos.
Señor H.