Mabubuntis ba ako kung madalas kaming magtalik ng asawa ko? Kasi isang taon na kaming nagsasama pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming anak. Angie
Sa iyo Angie,
Kahit minu-minuto pa kayong magtalik ni mister kung isa sa inyo ang may diperensiya, talagang hindi kayo magkakaanak. Mainam kung magpasuri sa espesyalista.
Sexy Leslie,
May asawa po ako at dalawang taon na kaming kasal, mahal na mahal ko ang asawa ko at sa loob ng dalawang taong pagsasama namin, may nakilala siyang girl at crush niya ito. Kapag naglalakad kaming magka-holding hands at nasalubong namin ang girl, binibitiwan ng mister ko ang aking kamay, ano po ba ang ibig sabihin nito?
Nelly
Sa iyo Nelly,
Hindi kaya nagtatamang-hinala ka lang? Minsan kasi, may nagagawa ang lalaki na wala sa loob nila pero big deal sa babae? Pero kung hindi ganito ang tingin mo, kausapin mo siya. Sabihin mo ang iyong naoobserbahan at ask him kung may dapat ka bang ipangamba.
Wala namang masama kung makaramdam ka ng selos, normal lang ‘yan dahil asawa mo at mahal mo siya.