SURIIN ang fabrics sa inyong children’s bedroom, kabilang din ang kanilang mga damit, beddings, curtains, carpet, rugs at cushion.
Kung ilan sa mga ito ang nagtataglay ng synthetic fibers, palitan ang mga ito ng ibang yari sa pure cotton o linen.
Kung gaano kalapit ang bagay sa balat ng inyong mga anak, ganoon din katindi ang impluwensya nito sa kanilang chi energy field.
Mahalaga ring suriin ang kanilang underclothes, pyjamas at sheets.
Kung maliit lamang ang inyong espasyo, maaaring gumamit ng futon imbes na kama, na maaaring irolyo at itabi sa umaga upang magkaroon nang mas maluwag na play area.
Iwasan ang furniture na yari sa MDF o veneered wood, dahil ang mga ito ay maaaring magdagdag ng toxic fumes sa kwarto.
Sikaping gumamit ng solid wood, dahil ito ay higit na mainam na conductor ng chi energy.
Maglagay ng ilang malulusog na mga halaman sa loob ng kwarto.
ni Lady Dee