Thursday , June 4 2026

Bulldozer Joe Vs. Victorious Victor (Ika-4 Labas)

00 bulldozer joePinuspos niya ang pag-eensayo. Nagpresinta siya kay Mr. Roach na maging alagang boxer ng kuwadra nito sa Las Vegas, Nevada. Natipohan naman siya ng mana-ger ng mga sikat na boksingero. At bumilib sa ipinamalas niyang galing sa pakikipagboksing. Nang maging isang professional boxer ay naging mabilis ang pag-akyat ng kanyang rating. Naging kampeon sa dibis-yong heavy weight at nakilala siya sa pa-ngalang “Bulldozer Joe.”

Pero bago pa man nakamit ni Joe ang korona sa pagiging kampeon sa boksing sa buong mundo ay nagkasakit na ng leukemia ang batang si Tommy, ang kaisa-isa nilang anak ni Liza. Patuloy itong ginagamot ng mga espesyalistang doktor ng kilalang ospital sa Nevada. Pero tila lalong lumulubha ang karamdaman, nagmistulang lantang gulay at naging buto’t balat sa kapayatan.

“Papa, ‘pag nakalaban mo si Victorious Victor, e pwede ba akong manood ng laban n’yo?” sabi ng batang si Tommy nang dalawin ni Joe sa pagamutan.

“Oo naman, anak…” aniyang humaplos-haplos sa kulot na kulot na buhok ng anak na nakaratay sa kama ng silid-pagamutan. “Magpalakas ka agad, ha?”

Tinanguan siya ng batang lalaki.

“Magtsi-cheer ako sa ‘yo, Papa… Alam kong mas magaling ka sa Victor na ‘yun!” ngiti ng mga mamad na labi nito.

“Sige, anak, promise… Isasama kita sa darating na laban ng papa mo kay Victorious Victor,” sabi naman ng asawa niyang si Liza na pilit nagpapakasigla sa harap ng anak na may sakit.

Pinanood ng kampo ni Mr. Roach ang mga naunang laban ni Victorious Victor. Naroroon si Joe, ang kanyang coach at mga trainer na kapwa boxer. Karamihan sa apatnapo’t walong nakasagupa ni Victor ay tumagal lamang ng first round. Ang ilan, knockout din bago matapos ang second round. Grabe ang lakas ng mga suntok nito.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …