ANG misteryo ng birthstones ay luma na. Maraming alamat ang nagsasalaysay ng gamit ng specific stones para sa specific purposes – ito man ay birthstones na nagbibigay ng overall protection o stones na pinili ayon sa birth year ngunit depende sa life circumstances.
Maaaring matagpuan ang birthstone traditions sa karamihan ng mga kultura sa planetang ito, at ang iba’t ibang stones, sa iba’t iba mang mga hugis, ay agad na ibinibigay pagkaraan isilang ang sanggol. Ang pagpili ng birthstone ay base sa iba’t ibang factors – mula sa sophisticated astrological chart na naglalarawan sa
specific birthstones para sa kagalingan ng indibidwal hanggang sa mabilis na pagbili nito mula sa jewelry store base sa kanilang birthstone list.
May ilang listahan ng birthstone na mayroong iba’t ibang stones na nakatalaga sa kaparehong buwan. Kaya, kung ikaw ay Aquarius born in February, halimbawa, ang iyong birthstone ay Amethyst (ayon sa original Tiffany & Co list of birthstones) o Black Onyx o Jasper, na makikita sa ibang listahan.
Gayundin, ang Western astrology ay medyo iba sa Vedic one (maaaring ang Gemini sa Western astrology ay Taurus sa Vedic astrology). Mayroon ding birthstones na pinipili ayon sa taon ng pagkasilang (base sa Chinese zodiac) na may matatagpuan kang maraming feng shui good luck amulets na may birthstones para sa iba’t ibang simbolo.
ni Lady Choi