Aries (April 18-May 13) Hindi dapat na umakto bilang kalaban ng partner, manatiling nagkakaisa.
Taurus (May 13-June 21) Sisikaping maging maayos ang lahat ng mga gagawin. Maging sa paghahanda ng lunch o dinner.
Gemini (June 21-July 20) Mahalaga para sa iyo ang kalayaan at sariling hilig ng kapareha.
Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi mo papaboran ang nagaganap sa inyong tahanan. Sisikapin mo itong mapigilan.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Paborable ang araw ngayon sa pakikipagsosyalan, pamamasyan at pagbabakasyon sa ibang lugar.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Huwag makuntento na lamang sa kung ano ang nangyayari sa paligid. Umaksyon kung kailangan.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Payapang makasasalamuha ang iba ngunit maaaring sumabog na parang bulkan kalaunan.
Scorpio (Nov. 23-29) Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan bunsod ng magaspang na aksyon ng iba.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Hindi dapat mangamba kaugnay pagkakaibigan ngayon. Marami ang nakasuporta sa iyo.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring hindi mapanatili ang pagiging kalmado sa buong maghapon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Sumisirit ang enerhiya ngayon, lalo na sa kalalakihan. Magagamit mo ito sa pakikibaka sa pag-ibig, sport, art, etc.
Pisces (March 11-April 18) Ang mahalagang bagay na dapat tandaan ngayon ay ang mabatid kung kailan ka titigil.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag tatawirin ang imaginary line sa pagitan ng isang tao o bagay.
ni Lady Dee