ni Alex Brosas
MARAMI ang naloka sa ipinost ni Kylie Padilla na kissing photo niya kasama ang boyfriend na si Matt Henares.
Kahit na medyo blurred ang shot ay marami pa rin ang nagulat nang i-post ng dalaga ang picture nila sa kanyang Instagram account.
Ang akala kasi ng marami ay wala pang boyfriend itong si Kylie after niyang makipaghiwalay kay Aljur Abrenica.
Isa pa, masyadong conservative ang mga Padilla kaya naman shocking Asia ang fans sa kissing photo na nakita nila sa social media.
Si Matt ay anak nina Ronnie Henares and Ida Henares.
Ano kaya ang reaction ni Robin sa kissing photo na mismong anak niya ang nag-post?