Thursday , June 4 2026

Bilangguang Walang Rehas (Ika-14 Labas)

00 bilangguanMabigat ang loob niya kay Gardo. Pero mainit naman ang dugo nito sa kanya na pwedeng maging mabilis ang pagkulo. Nakakatalo niya ito kahit sa maliliit na usapin lamang. Na para bang naghihintay lang talaga ng pagkakataong magkasagupa silang dalawa. At nangyari iyon isang araw. Nakasuntukan niya ito sa loob mismo ng pabrika.

Nagkaputok-putok at nagkapasa-pasa ang mukha ni Digoy sa mga inagwantang suktok kay Gardo. Pero hindi man lang niya namantsahan ang tila balat-kalabaw na pisngi nito. Mas malakas at matibay ito suntukan. Bugbog-sarado na siya nang dumating si Mang Pilo na umawat sa kanilang dalawa.

“Kung nagkadisgrasyahan kayo, sa pagkalayo-layong ospital pa kayo itatakbo,” ang pagalit na pagsesermon ng bisor kay Gardo, pero mas pa kay Digoy.

May klinika sa loob ng pabrika. Walang doktor o nurse, pero mayroon itong mga gamot at gamit para sa mga maliliit na kaso na dapat agad mabigyan ng atensiyon. Dito sinamahan si Digoy ni Carmela. Nilinis nito ang sugat niya sa pisngi na likha ng matinding bayo ng kamao ni Gardo.

“Aray, arayyy!” daing niya sa dalagang nagpahid sa kanyang ng bulak na may alkohol.

“Para ito lang, kung maka-aray ka na,” panlalabi ni Carmela.

“Lalong sumakit, e… Hayyy!” daing uli niya.

“Tapos na, a… Masakit pa?” ususa ng dalaga.

“Oo…” aniyang dumampot sa kamay ni Carmela.

“Alin?” anitong napamaang.

“Ito, o…” sabi ni Digoy, inilapat ang palad ng dalaga sa kanyang dibdib, sa tapat ng puso. “Masakit na masakit na ‘yan sa malabis na paghihirap.”

Namula ang mga pisngi ni Carmela.

“Kung tayong dalawa ang magkakatuluyan, jahirapan lang ang maipamamana natin sa ating magiging mga anak…” sa garalgal na tinig ng dalaga.

“Pero mahal mo ba ako?” naitanong ni Digoy. (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …