Wednesday , January 8 2025

Bilangguang Walang Rehas (Ika-13 Labas)

00 bilangguanLalong lumalim ang pagkabwisit ni Digoy kay Gardo. Naghihinala siya na sinasadya nitong lagi na lampas ng isang oras o mahigit pa ang pagpapatunog sa batenteng sa pagreretiro sa hapon ng mga trabahador. Pero sa umaga’y masyado namang napakaaga. At doble itong maghigpit sa mga kabataang lalaking pinamamahalaan. Magaan pa ang kamay sa pagdisiplina sa mga nakagagawa ng kahit maliit na pagkakamali.

Pinagsasampal na, dinagukan pa ni Gardo ang binatilyong si Onyok na ‘di sadyang naibagsak ang binubuhat na kahong karton ng mga de-latang sardinas.

“’Yang katangahan, iniwan mo na dapat sa bahay n’yo,” singhal nito sa batang lalaki.

Si Onyok ang pinakamaliit at pinakabata sa lahat ng mga kabataang lalaki sa pabrika. Kung tutuusin, dapat sana ay nag-aaral pa at tinatamasa ang buhay ng isang karaniwang bata na nakapaglalaro at nakapamumuhay nang matiwasay.

Mabilis na pumagitna si Digoy upang payapain ang galit ni Gardo. Pero siya man ay inangasan nito, nandilat ang mga mata sa pagkukuyom ng kamao sa harap niya. Nagpanting ang kanyang punong-tenga. Kakasahan niya ito. Buti na lang at naroon si Mang Pilo na dali-daling umawat sa kanilang dalawa ng kababatang binata.

“Sipsip na, gago pa!” ang nasabi ni Digoy patungkol kay Gardo.

“Basta’t ‘wag mo na lang patulan,” ang pagkampi sa kanya ni Carmela.

Biglang lumamig ang ulo niya. At para nang pinataba ng dalaga ang kanyang puso.

Kung ilang ulit pa niyang ikinapundi ang pag-aasal ibong tagak ni Gardo sa kanilang mga kasamahan sa pabrika. At noong minsan, muntik-muntikan na silang magpang-abot nito sa kanilang barracks. Nagtimpi na lamang siya dahil pihong ito ang papanigan ng kanilang bisor sa kaguluhan na maaaring mangyari roon.

“Ano, gusto mo ulit magmumog ng dugo sa suntok ko?” ang pagmamaliit sa kanya ni Digoy.

Tinalikuran na lamang niya ang kahambugan ng binatang kaselosan kay Carmela.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *