Thursday , June 4 2026

Male viewers haling na haling sa mapang-akit na sayaw ni Maja Salvador sa “Bridges of Love,” (Pag-ibig ni Gael kay Mia ‘di isusuko)

032315 Maja

00 vongga chika peterGabi-gabing gising na gising ang viewers ng pinakabagong top-rating, Twitter trending primetime drama series ng ABS-CBN na “Bridges of Love” dahil sa pangunahing bida ng serye na si Maja Salvador.

At sa mapang-akit na sayaw ng maganda at mahusay na actress bilang star dancer na inaabangan talaga araw-araw ng kanyang male fans. Tinututukan rin ito dahil sa mapangahas at mabilis na andar ng kuwento ng serye na umiinog sa buhay ng magkapatid na sina Gael (ginagampanan ni Jericho Rosales) at Carlos (Paulo Avelino), na matapos paglayuin ng isang malagim na trahedya ay pinag-ugnay ngayon ng pagkabighani nila sa isang kaakit-akit na club dancer na si Mia (Maja Salvador).

Patunay sa pagkahumaling ng mga manonood sa “Bridges of Love” ang datos mula sa Kantar Media, na humataw ito sa national TV ratings mula nang magsimulang umere noong Lunes (Marso 16). Panalo ang serye nina Jericho, Paulo, at Maja sa time slot nito taglay ang national TV ratings na 21.9%, 24.4%, 24.4%, at 24.1% mula Lunes hanggang Huwebes (Marso 19).

Malaki ang lamang nito sa ratings ng katapat na show. Mas kakapitan pa ng viewers ang love triangle sa “Bridges of Love” lalo na ngayong lumalalim na ang espesyal na pagtingin nina Gael at Carlos kay Mia. Paano susubukin ng pagmamahal ang minsan nang nasirang relasyon ng magkapatid?

Ang pag-ibig ba ang magsisilbing gamot na hihilom sa sugat ng nakaraan o ito ang lason na tuluyang wawasak sa ugnayan nina Gael at Carlos? At si Gael, ‘di susukuan ang pagmamahal niya kay Mia at tinanggap naman ito ng dalaga.

Ang “Bridges of Love” ay sa ilalim ng direksyon nina Dado Lumibao, Will Fredo, at Richard Somes. Ito ay likha ng Star Creatives production, ang gru- pong naghatid sa primetime TV hits kabilang ang “Princess and I,” “Got to Believe,” “The Legal Wife, at ang kasalukuyang umeere ring “Forevermore.” Huwag palampasin ang gabi-gabing laban para sa pamilya, pagkatao at pag-ibig sa “Bridges of Love,” pagkatapos ng “Forevermore” sa ABS-CBN Primetime Bida Para sa exclusive updates, mag-log on to Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreatives_TV. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Bridges of Love” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …