Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, kinain ang isinukang pagmamalaki sa GMA

ni Ronnie Carrasco III

032415 Aljur Abrenica

KUNG sa tanong kung hanga kami sa ginawang desisyon ni Aljur Abrenica to embrace GMA anew sa kabila ng kanyang legal action para i-release siya ng estasyon, our answer is a resounding NO!

Kinain din pala ng pogi pero ham actor ding ito ang kanyang isinuka as though nothing happened. Hayun ang mokong, nag-guest na sa Sunday All Stars ng GMA last Sunday, the very program that gave him the cold shoulder treatment noong panahong sinapian siya.

Kuwento ng isang insider, Aljur—out of nowhere—popped out sa production meeting ng program one recent Thursday.

Nawindang daw ang staff nang isa-isa raw silang lapitan ng hamonadong aktor at bineso-beso. Yes, his way of making amends sa mga kaluka-lukahan niya sa buhay!

Napagtanto raw ni Aljur na hintayin na lang daw mag-expire ang kanyang kontrata sa 2017, meanwhile, all’s well that ends(?) well between him and the network he took legal action against.

Kung sabagay, Aljur is left with no choice. It was either nagpapahabol siya sa GMA o nagpapataas ng presyo thinking he was already a star to reckon with, pero hindi umubra ang kanyang patibong.

Ang ending: he was the one who suffered the most.

Moral lesson: Magmalaki’t magyabang ka kung may napatunayan ka na. In Aljur’s case—pasintabi sa mga kolboy—his looks fit the role, na gumigiling sa harap ng mga baklang parokyano sa gay bar in bikini and to top it all, with no speaking lines!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …