Thursday , May 16 2024

Sharon, gustong isumpa ang imbentor ng flat TV

ni Alex Brosas

032115 Sharon Cuneta

ANO ba naman itong si Sharon Cuneta pati ba naman flat screen TV ay pinagdidiskitahan?

Nagrereklamo itong si Ate Shawie dahil malaki raw siya tingnan sa TV pero sa personal ay hindi naman siya kalakihan.

“Nagulat ako kasi flat screen ang TV namin sa bahay, so grrrrrr gusto kong isumpa ang nag-imbento niyan at nakakapunggok at lapad! Hahahahaha joke! Pero nakakapunggok at nakakalapad talaga! Lalo na sa aming mga nagpapapayat pa lang, nakakawala ng inspirasyon! Hahahahahaha! Joke joke joke!!! Thank you so much again for watching #ýYourFaceSoundsFamiliar last night! Mamaya ulit!” post ng Megastar on her Facebookaccount.

To prove her point, talagang nag-post siya ng dalawang photos, screengrab ng apprearance niya sa TV as Adelle at isang kuha sa dressing room niya with this caption: ”Eto ang ebidensiya ng effect ng flat-screen TV sa nananahimik na taong nagda-diet! Hahahahahaha! Photo#1 from a flatscreen TV. Photo #2, in person in my dressing room with Peachy my make-up artist, and Jeff Aromin my hairdresser! Hahahaha! Andaya! Huhuhu.”

Actually, kailangan yatang i-refresh kay Sharon ang paniwala ng lahat ng celebrities na times 10 silang tingnan sa telebisyon. Ang tagal-tagal na niya sa showbiz pero tila hindi yata niya alam ito. Kaloka itong si Sharon, ha.

Ang dapat mo kasing gawin ay doblehin or triplehin mo ang effort mong magpapayat. ‘Yun lang!!!

 

About hataw tabloid

Check Also

Award-winning aktor batid na may kapatid sa labas

I-FLEXni Jun Nardo MAY stepbrother pala sa ama ang isang sikat at award-winning aktor na pamisan-minsan ay …

Blind Item, Mystery Man in Bed

Male starlet may mga picture, video na hubo’t hubad na nasa pag-iingat ng baklang syota

HATAWANni Ed de Leon TUWANG-TUWA ang fans ng isang male starlet kung napapanood siyang nagsasayaw, lalo’t may …

KC nagpasalamat, nangako aalagan si Sharon

HATAWANni Ed de Leon KAHIT na sinabi ni Sharon Cuneta nang diretsahan na hindi sila nagkakasundo ng …

Kylie Padilla

Kylie inamin mahirap pagiging single mother

HATAWANni Ed de Leon MAY post si Kylie Padilla noong Mothers’ Day, kasama ang dalawa niyang anak. …

Dingdong Dantes Marian Rivera Kathryn Bernardo Alden Richards

Dingdong at Marian naisnab, naisahan

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG naisahan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kahit na sinasabing ang pelikula nilang Rewind ang highest …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *