Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amalia, takot nang harapin ang buhay sa pagkawala ni Liezl

 

ni Pilar Mateo

031715 Amalia Fuentes Liezl Sumilang albert Martinez

TANGIS ng ina!

Sa ibinahaging video ng former Sampaguita Pictures actor na si Josemari Gonzales saFacebook sa buong istorya ng hinagpis ng nananangis na inang si Amalia Fuentesmakikita ang puno’t dulo ng sentimyento nito sa kapirot na mga bahagi lang ng naibalita sa telebisyon.

Ang kuha ay mula sa pagtawag ni Tita Nena sa mga press na nasa lugar na ibinurol ang kanyang unica hijang si Annalissa na mas nakilala bilang si Liezl.

From start to end ng pagsasalita ni Tita Nena, nai-record ang lahat ng gusto niyang sabihin. Hanggang sa pagsakay na nito sa kanyang van na muling naghatid sa kanya sa ospital.

Hindi na kailangang i-react pa ang nasabing insidente kundi unawain na lang ang sakit sa dibdib ng inang hindi ninais na mauna pa sa kanyang mawala ang anak.

Intindihin na lang ang pinag-uugatan ng kanyang galit at hinanakit na parang batang nagsumbong sa pag-echa fuera sa kanya at sa tatay ni Liezl na si Romeo ‘Bobby’ Vasquez sa necrological services para kay Liezl.

Gaya ng sabi niya, si Liezl ang buhay niya kaya hindi maiaalis ang pag-amin niyang takot na siyang harapin ngayon ang pag-iisa sa buhay.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …