Tuesday , December 24 2024

Misis ni Albert Martinez na si Lizel nasa kritikal raw na kondisyon sa St. Lukes (How true???)

 

00 vongga chika peterLAMAN ng blind item kahapon ang matagal nang retired sa showbiz na actress na misis at ina ng mga anak ng premyadong aktor na isinugod sa isang pribadong ospital dahil sa malala raw na health condition.

Dagdag sa nasabing news item, ipinatawag na raw ang buong pamilya at mga kaanak ni aktres dahil anytime ay baka mawala na siya? Nang i-tackle namin ang malungkot na balitang ‘yan sa daily “Star Na Star” program namin ng BFFT kong si Pete A. at kaibigan rin na si si Abe Paulite a.k.a. Papa Umang sa DWIZ (882 KHZ), dumagsa ang dating ng text messages mula sa aming listeners. Lahat ay humiling ng dasal para kay actress at baka magkaroon pa ng himala sa karamdaman niya. Iisang pangalan lang din ang binanggit ng aming mga texter noong araw na ‘yon. Si Liezel Martinez raw ba ang tinutukoy naming maysakit na celebrity na kumalat na ang cancers cells sa katawan?! Matatandaang nagkaroon ng breast cancer si Liezel pero gumaling naman siya, na ikinatuwa nang labis noon ng kanyang husband na si Albert Martinez at mga anak at siyempre ng kanyang Mommy Amalia Fuentes.

Kaya marami talaga ang masa-sad kung siya nga ang nasa St. Luke’s ngayon na nakikipaglaban sa kanyang buhay.

Sana dinggin ng Itaas, ang lahat ng panalangin at magkaroon talaga ng himala gyud!

Ogie Alcasid masaya at inspired sa bagong singing search show sa TV 5

SOUL SIREN NINA, JIMMY & PAPA JACK SINCERE SA KANILANG PAGIGING JUDGES

Kung sa ibang singing talent search ay may pressure at super hyper ang mga judge o coaches, dito sa bagong singing search hosted by Ogie Alcasid and Venus Raj plus kasama nilang three judges na kinabilangan ng Soul Siren na si Nina, Acoustic singer Jimmy Bondoc at DJ host Papa Jack ay enjoy lang silang lahat.

Kumbaga sa ganda at very unique na konsepto ng kanilang show, cool at relax lang ang mga nabanggit na stars. Especially Ogie, na feel na feel talaga ang new show niya ito na ang pilot episode ay mapanonood na simula sa bukas March 14 and March 15 (Linggo) ganap na 9 p.m., pagkatapos ng hit na hit na PBA sa TV 5.

Para naman kina Nina at Jimmy na present sa grand preesscon ng RisingStars Philippines, ang bala nila sa pagpili ng mga winner ay ‘yung kanilang pagiging sincere sa bawat sasabihin nila sa talent na ipinakita ng mga kalahok rito. Tatakbo o tatagal ang show na produced ng foreign businessman na CEO ng RisingStars Asia na si Mr. Andrew Gonczi ng ten weeks, so bale 19 episodes na iere ang programa. Gaganapin ang grand night nito sa May 17 sa hindi pa binabanggit na venue pero for sure sa malaking lugar ito gaganapin.

At dahil kakaiba nga ang RisingStars sa ibang singing talent search may mangyayaring twist habang ongoing ang labanan ng magiging finalists rito. Yes ayon kay Ogie, kahit napili na nila ang kabuong 12 finalists, kung may kilala raw audience o TV viewers na may maganda rin boses at hindi pa nakasasali sa singing contests, puwede silang sumali at kalabanin ang mga nasabing finalists na napili na. Nagkuwento pala si Ogie sa nasabing presscon ng magandang experiences niya sa pagsama sa provincial auditions sa 20 cities na pinuntahan ng RisingStars team na hindi man nasamahang lahat ng sikat na TV host comedian ay sobra siyang na-excite sa pagharap sa mga kababayang sumalang sa kanilang audition.

Nagiging speechless daw siya kapag naririnig niya ang mahuhusay na pag-awit ng contestants na hindi pa nga raw developed pero magagaling na at animo’y mga professional artist na. Ang mga kalahok raw na ito ay pwedeng mabigyan ng pagkakataong sumikat. Sila raw ‘yung mga contestants na hindi pa napanood sa alinmang talent shows sa ABS-CBN-2, GMA-7 at iba pang TV network.

Pabulosa ang pwedeng mapanalunan ng grand winner sa RisingStars, tumataginting na P500,000 ang cash prize na mapapasakanya at may dalawang pang mapipili na ang isa ay tatangap ng P250,000 at P100,000 naman para sa natirang winner. Bukod sa TV airing nito ay may isinigawang online audition ang RisingStars Asia, mayroon uli silang audition na magaganap sa March 28 (Saturday) at March 29 (Sunday) at ang mapipili ay makaka-join na sa live telecast nila simula April, at tatanggap din ng cash prices. Ito pa ang advantage ng nasabing singing search, hindi na kailangan pang gumastos ng pasahe sa public vehicle, barko, eroplano ang mga gustong mag-audition dito dahil sa pamamagitan lang ng pag-download sa App ng RisingStars Philippine Mobile lalo na sa smart-phone users, ay puwede nang sumalang sa high tech audition. Kailangan lang i-record ang pagkanta sa video kahit sa cell phone na android basta gamit ang kanilang apps.

Korek! Selfie Karaoke ang estilo ng audition nila para makasali. Bukod sa 20 cities na binisita ng RisingStars team nationwide ay may recording studio booth rin sila sa mga sikat na mall para sa mga mag-o-audition. Part din pala ng novel televised Singing Talent show ang dancer actor na si Mico Aytona at sikat na choreographer ng mga variety show na si Ana Feleciano. Kaya kung gusto ninyo ang mga pasabog at sorpresa panoorin sila every Saturdays and Sundays sa nag-iisang Happy network.

Kaka-thrill naman ito gyud!

 

ni Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *