ni Alex Brosas
HINDI lang pala sina Jasmine Curtis at Paulo Avelino ang magkasama sa picture na tila na-crop lang to make it appear na silang dalawa lang ang magka-date.
“May movie sina Paulo at Jas with Isabelle Daza. Group dinner lang po ‘yan wala namang masama sa picture binigyan lang ng malisya,” paliwanag ng isang fan.
So, ganoon naman pala ‘yon. Kayo naman, ang bilis ninyong manghusga.
Anyway, mayroon pang isang issue na dapat sagutin si Paulo at ito ay ang chikang mayroon pa siyang anak bukod sa anak nila ni LJ Reyes.
Nang matanong daw ng isang reporter kay Paulo kung true na mayroon pa siyang anak sa isang non-showbiz girl ay hindi nakasagot ang binata. Nag-walkout na lang daw ito.
Is this true, Paulo?