Thursday , June 4 2026

Paulo at Jasmine, naispatang nagdi-dinner

ni Alex Brosas

031015 jasmine paulo

NAISPATAN sina Paulo Avelino at Jasmine Curtis-Smith na nagdi-dinner at maraming fans ang kaagad na nanghusga—na mayroon silang relasyon.

Kaagad na kumalat ang chikang si Paulo na ang ipinalit ni Jasmine kay Sam Concepcion. Ito ay matapos kumalat ang chikang hiwalay na si Sam kay Jasmine at noong una ay si Daniel Padilla naman ang sinasabing third wheel sa kanilang break-up.

Hindi naging maganda ang dating ng photo na magkasama sina Jasmine at Paulo. Nagmukhang boyfriend snatcher si Jasmine kasi ang alam ng marami ay magdyowa na sina Paulo at  KC Concepcion kaya lang ay hindi nila ito inaamin.

Pareho rin ang comment kay Paulo, na isa itong manggagamit. Before ay si KC ang ginamit nito at ngayon nga ay si Jasmine naman.

“Paolo dear. Anne will smack you silly. Not only poor and unclassiy but with baggage as well. At least Sam is single and richer than you. KC was smart to use him for rebound,” say ng isang guy.

“Pinagkaisahan ba ang mga concepcion ?” tanong ng isang fan. He was referring to KC and Sam na parehong Concepcion ang apelyido.

“Bilis ni Paulo Avelino makahanap ng kapalit ni KC. That was fast. That was really really fast!” obserbasyon ng isang fan.

“Manang-mana sa ate si Jasmine. Infer ha magkamukha sina Paulo at Sam,”paniwala naman ng isa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …