NAMROROBLEMA raw ngayon ang isang network tungkol sa kanilang kontratadong aktres sa nilulutong show para sa kanya.
Nauna nang umani ng mga batikos sa social media ang tema ng magiging show ng hitad, na ipinamamarali ng head writer nito.
Pagbibida ng manunulat, kakaibang papel ang gagampanan ng bidang aktres.
But truth is, wala naman talaga sa uri ng proyekto ang problema ng buong produksiyon. The major problem that needs to be addressed ay ang aspeto ng casting nito.
Sa rami kasi ng mga “kaaway” ng aktres sa kanyang home station ay mabibilang lang sa daliri kung sino-sino lang ang papasa sa kanya. Ang siste, ang mga ipinagmamalaki pa mandin niyang close friends ay mga naturingang starlet.
Da who ang aktres? Itago na lang natin siya sa alyas na Daria Montes.