ni Roldan Castro
TINANONG si Regine Velasquez tungkol sa naging issue nila ni Kris Aquino sa SAF Warriors 44 issue. Sey niya, hindi rin niya alam kung in-unfollow siya ni Kris pero ang importante raw ay nag-apologize na ito at tapos na raw ‘yun.
You know it’s finished, she already apologized, actually, I didn’t even… I couldn’t understand the whole thing, hindi ko rin naintindihan kung ano ba ‘yun, ikinuwento lang sa akin ng asawa ko. So, tapos na, nag-apologize siya, wala namang anything, walang samaan ng loob,” pakli ng Asia’s Songbird.