Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miyembro ng KathNiel KaDreamers, nag-ambagan para magpa-block screening ngCrazy Beautiful You

021815 kathryn daniel

00 fact sheet reggeeNAKA-CHAT namin si Ms. Ruby Ticzon, isa sa admin ng grupong KathNiel KaDreamers na sumusuporta kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kasalukuyang nasa Vancouver, Canada si Ms Ruby at maski na malayo siya ay monitored daw niya ang lahat ng nangyayari sa KathNiel dahil sinasabi sa kanya ng mga kapwa niya admin at miyembro.

Katulad sa Pebrero 25 at 28 ay may pa-block screening ang grupong KathNiel KaDreamers sa pelikulang Crazy Beautiful You na gaganapin sa The Podium, 6:00 p.m. at 8:00 p.m..

Kuwento ni Ms Ruby, lima raw silang admin ng KathNiel Ka Dreamers na binubuo naman ng 82 chapters worldwide at nagsimula raw nilang hangaan sina Daniel at Kathryn simula pa noong una nilang programa na Growing Up.

“Ang main admins po namin ay si Sheeryl ng Quezon City chapter, Marie naman sa Cagayan de Oro at Dubai, Carla naman sa Tarlac at US, at si Claire ng Taguig at Cebu, nadagdag po now si ate Agot, siya ang in-charge sa Laguna.”

Ang KathNiel KaDreamers din daw ang unang nagpa-block screening ng mga pelikula nina DJ at Kath tulad ng 24/7.

Wala naman daw isyu ang grupo nina Ruby sa ibang grupong sumusuporta rin kina Daniel at Kathryn dahil ang katwiran nila ay iisa lang naman ang hangarin nila, ang suportahan ang lahat ng proyekto ng dalawang bagets.

“Maski saan po pumunta ang KathNiel, may mga grupo po kaming nakaabang sa kanila all over the Philippines at maski sa ibang bansa po,”kuwento ni Ruby.

Nag-show na raw sina DJ at Kath sa Alberta, Winnipeg, at Vancouver at talagang maraming KathNiel KaDreamers daw ang nakapanood.

“Maski nasaang lugar po sila, may nakaabang ng KathNiel KaDreamers,” sabi niMs Ruby sa amin.

Dagdag pa, ”tulong-tulong po kaming lahat para maging successful ang block screening.”

Sa funding ay, ”may mga tumutulong po na TFC supporters, nag-aambag po sila at sariling pera po namin, for the love lahat po ang ginagawa namin,” say pa ni Ruby.

Halo-halo raw ang grupo nina Ruby, may mga estudyante at may mga nag-o-opisina na at aabot sa mahigit 15,000 ang miyembro ng KathNiel KaDreamers.

Tinanong namin kung hanggang kailan nila hahanggaan ang KathNiel, sinabi nitong for life at tulad din sa kuwento sa pelikula, gusto ng KathNiel KaDreamers ay ‘happy ending’ din ang mangyari kina Daniel at Kathryn.

In fairness, bagay naman sina DJ at Kath, wala lang sanang hihiwalay sa kanila.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …