Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iñigo, orihinal sa Crazy Beautiful You, ‘di isiningit lang

ni Alex Datu

021715 inigo kathniel

HINDI naniniwala si Inigo Pascual na magagalit sa kanya ang mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil siya ang manggugulo sa pagsama ng dalawa sa movie offering ng Star Cinema, ang Crazy Beautiful You.

Inamin ng binata na sa una ay medyo kabado siya dahil first time niyang nakasama ang dalawa pero masaya naman siya nang makuha ang mind set ng dalawa as in, hindi na siya naiilang bagkus naging kabarkada niya ang mga ito.

Samantala, na-meet namin sa food court ng ABS-CBN si Maan Dimaculangan-Fampulme, isa sa mga writer ng nasabing movie directed by Mae Cruz-Alviar at inamin nitong hindi apektado si Inigo kung introducing lang sa pelikula kahit nagsimula itong bida sa Relaks, It’s Just Pag-ibig.

Aniya, “Ito kasi ang first movie niya sa Star Cinema kaya natural lang naman na introducing siya kahit nagbida na noon sa ibang movie outfit.”

Nilinaw nito ang isyu na inihabol lang o isiningit si Inigo sa original cast. Aniya, “Oo, kasama talaga siya. Hindi siya isiningit lang. Kasama siya talaga and he plays the brother of Daniel pero magkaiba ang ina kaya sa una, ‘di sila magkakilala.”

Sa naganap na presscon ay inamin ni Inigo na mas pressure siya sa pelikulang Crazy Beautiful You dahil sa mga kasamang artista tulad nina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion at ang tandem nina Daniel at Kathryn. Kabado siya dahil kakaiba ito sa kanyang unang movie na barkada niya ang mga kasama sa movie.

Aniya, “I was really thankful na naging part ako ng kanilang triangle (KathNiel). At first, I was really nervous working with them pero nang nakita ko ang mind set at naka-mingle sila, it was so easy, naging magaan working with them. Masaya na po akong nakasama sila.”

Inamin din nito na malaking hamon sa kanya ang mapasama sa pelikula. Una, ito ang kauna-unahang pelikula niya sa Star Cinema at, “It’s something different at saka, mas pressure sa akin ito dahil people are expecting more acting form me. I can feel them at this early, they are comparing me now with my dad.”

Sa Febraury 25 na mapapapanood nationwide ang Crazy Beautiful You.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …