Thursday , June 4 2026

13-anyos niluray ng Coast Guard (P200 bayad sa puri)

111014 rape

DAGUPAN CITY – Arestado ang isang personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lungsod ng Dagupan makaraan gahasain ang isang 13-anyos dalagita at binayaran ng P200 pagkatapos.

Ayon kay PO2 Janine Aquino ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Dagupan, positibong nagahasa ang menor de edad base sa lumabas na resulta sa pagsusuri sa kanya.

Napag-alaman, sa salaysay ng kaibigan ng biktima, pumasok ang kanyang kaibigan sa sub-station ng PCG at iniwanan na niya ito.

Ngunit naroon pala ang 25-anyos suspek na hindi na pinangalanan, at nagpamasahe sa biktima.

Ngunit hinawakan ng suspek sa maseselang parte ng katawan ang biktima at minolestiya.

Pagkaraan ay umuwi ang biktima sa kanilang bahay na tulala habang hawak ang P200 na ibinayad ng suspek.

Sa puntong ito, isinalaysay ng biktima sa mga magulang ang nangyari sa kanya.

Nagpasya ang mga magulang ng biktima na magsumbong sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …