Thursday , June 4 2026

Dream Dad, may grand fans day sa Sabado!

121514 zanjoe dream dad

00 fact sheet reggeeBUO na ang loob ng karakter ng Kapamilya leading man na si Zanjoe Marudo na maging isang ama sa kuwento ng nangungunang primetime TV series sa bansa na Dream Dad.

Ngayong mas napamahal na siya sa ulilang bata na si Baby (Jana Agoncillo), gagawin na ni Baste (Zanjoe) ang lahat upang gawin ng opisyal ang pag-ampon dito.

Paano haharapin ni Baste ang mga responsibilidad ng isang ama ngayong wala pa siyang asawa? Ano ang kanyang gagawin sa oras na bumalik ang tunay na ina ni Baby na si Bebeth (Yen Santos) at bawiin ito sa kanya?

Samantala, bilang pasasalamat sa pagsuporta ng TV viewers, isang magandang buhay at hapong puno ng good vibes ang ihahatid ng cutest Kapamilya couple na sina Zanjoe at Jana ngayong Sabado (Enero 31) sa gaganaping grand fans’ day sa Ayala Fairview Terraces, 5:00 p.m.. Kasama rin nina Zanjoe at Jana ang kanilang co-stars na sina Beauty Gonzales, Yen Santos, Katya Santos, Ketchup Eusebio, at Maxene Magalona.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng feel-good family drama series na magpapangiti sa puso ng viewers, Dream Dad, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Dream Dad, bisitahin lamang ang official social networking sites ng programa sa Facebook.com/DreamDadOfficial, Twitter.com/DreamDadTV, at Instagram.com/DreamDadTV.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …