Saturday , June 13 2026

Pagkakagalit o break-up nina Jake at Bea, ‘di raw pansin ni Direk Richard

012915 Jake vargas Bea Binene

00 fact sheet reggeeTungkol naman sa tsikang break na sina Jake at Bea Binene ay wala raw alam si direk Richard dahil habang idinidirehe raw niya ang dalawa ay wala siyang napansing magkagalit dahil nakita niyang inaalagaan nila ang isa’t isa.

“I just realize how easy to shoot kapag love team, kasi madali lang i-tweek kapag kilig na moments, maraming kilig moments kasi rito (‘Liwanag Sa Dilim’).

“For me as a director, what exciting to direct a love team is always parang first time, parang high school noong ikaw mismo noong na-in love na (nakatikim) nang nabasted ka, nabigo ka. ‘Yun ang feeling na early morning gusto mo ng pumasok sa school kasi gusto mo ng makita ‘yung crush mo.

“Sobrang laki ng reflection nilang dalawa (Jake at Bea) sa set parang hindi mo sila puwedeng ihiwalay. Pero wala akong na-notice na nagkatampuhan sila sa set.

Sa kabilang banda, inamin ni direk Richard na fascinated siya ng horror films kaya pinangarap niyang gumawa ng tatlong pelikula at natupad na, Yangaw produced ng Cinema One Originals, Corazon na produced ng Skylight Films/Star Cinema, at itong Liwanag Sa Dilimmula naman sa APT Entertainment.

“It’s a good movie, it’s a different love story na mai-inlove kayo, kaya panoorin ninyo,” say ni direk Richard na palabas na sa Pebrero 11.

Bukod kina Bea at Jake ay kasama rin sa pelikula sina Iggy Boy Flores, Sunshine Cruz, Dante Rivero, Freddie Webb, Sarah Lahbati, at Rico Blanco.

 

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Bam Aquino

Bam Aquino pinaiimbestigahan mabagal na paglulunsad ng P67-B pondo sa pagtatayo ng silid-aralan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBALIK bilang tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education si Senador …

Vandolph Quizon Dolphy Home Along Da Riles

Vandolph ‘di pinalitan Dolphy sa Home Along Da Riles Da Reunion: Nag-iisa lang iyan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakalimutan ni Vandolph na pasalamatan ang ABS-CBN para maisapelikula nila ang Home Along Da Riles. …

Claudine Barretto

Claudine open nang mag-entertain ng suitors

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “NO, no, that’s not true. We’re friends, we’re friends,” paglilinaw ni Claudine Barretto sa …