Kinalap ni Tracy Cabrera
SA 2015, magiging sobrang matagumpay ang mga Tigre na para bang kamaganak sila ng diyosa ng pag-ibig na si Venus mismo at ang Pangulo ng bansa.
Masasabing walang magiging kabiguan, problema at pagtanggi sa alin mang larangan. Pero pangkaraniwang kaalaman na ang halaga ng isang bagay ay kabaligtaran ang tumbas sa effort sa pagkamit nito; kaya, maaaring magkamali sa interpretasyon sa realidad sa kanilang paligid.
Ipinapayo ng horoscope sa mga Tigre na tandaang kapag boluntaryong inialok ng isang baboy ang kanyang sarili bilang hapunan, hindi ito bawas sa nutrisyon tulad ng mahuhuli sa kagubatan.
Sa Year of the Wood Sheep (Ram, Goat), maraming mga pasarap ang mahuhulog sa iyong mga palad habang ang iba ay magsasagawa ng walang katuturang pagtangka para makuha rin ito. Matutong i-appreciate ang mga regalo ng buhay; kung hindi ay baka magalit sa inyo ang mga bituin at talikuran kayo sa mahabang panahon.
Maraming mga Tigre ang magpo-focus sa mga bagay na interesado lang sila at ang kanilang mga point of interest ay clubbing, fashion at sariling kalusugan. Hindi na kailangan pang pagtalunan na mas masarap ang isang araw na pagbabakasyon sa probinsiya kaysa mag-computer maghapon sa loob ng inyong tanggapan; ngunit magkaperho silang maha-laga sa inyong buhay. Ang paggugol ng masasayang panahon kasama ang pamil-ya ay nakatutulong sa atin na magkaroon muli ng enerhiya at makapag-bonding din sa ating mga mahal; kasabay nito’y nakapagbibigay din ang pagtatrabaho ng sapat na kita para ma-enjoy ang ating pamumuhay.
Sa taon ng Kambing , ipinapayo rin ng horoscope sa mga Tigre na hindi ma-carried away sa kasiyahan at huwag din ipagwalang-bahala ang trabaho; kung hindi ay baka humantong sa kawalan ng hanapbuhay dahil sa pagkalulong sa mga luho at pasarap sa buhay.
Sa pag-ibig, iminumungkahi ng horoscope na magpakita ng pagpigil at pag-iingat. Kung nasanay sa pagsalakay sa inyong biktima nang hindi nag-iisip na baka ang bibiktimahin ay siyang bibiktima din naman sa inyo, napapanahon na baguhin ang inyong taktika! Maging mai-ngat sa pagpili ng kapareha; dahil ang totoo’y mas nararapat na kasama ang mabubuting nilalang sa paglalakbay sa buhay.
Kung nararamdamang ang inyong kapareha ay hindi magkaayon, magkaiba ang bilis, magkaiba sa panahon at maaaring magkaiba rin sa mga ninanais, nangangahulugan na nagkamali kayo sa pagpili ng inyong ‘bettrer half.’
Sa 2015, may ilang mga Tigre, sa pagdama ng kanilang kapangyarihan, ang magdedesisyong dominahin ang ibang tao. Tiyak na hindi ito magugustuhan ng dinodomina. Isipin na lang kung nanaisin din namang maging kasama ng isang indibiduwal na kumakaladkad sa iyo gamit ang tali sa aso.
Ang nararapat ay magkasama ang da-lawa o tatlo o labis dahil sa magkakasundo sila at hindi sa dinodomina ng isa o labis.
Para sa mga Tigreng magagawang isantabi ang katamaran at pagkawalang-bahala ay mas maraming magagawa sa taon 2015. Tunay na sa nakaraan ay na-ging dahilan para ipagyabang ka ng i-yong kamaganakan sanhi ng iyong tagumpay at ito rin ang dahilan na kainggitan ka ng iba dahil sa tinatamasang suwerte.
Ang 2015 Wood Sheep Year ay maka-tutulong sa mga Tigre na labanan nila ang kanilang pagkamahiyain na pumipigil sa kanilang pagtatagumpay habang ipinapakita rin ang kanilang talento sa buong mundo.
Ipinapayo ng horoscope na ang tagumpay sa taon ay daraan sa puso ng mga tao kaya kakailanganing magtrabaho nang husto kasama ang inyong mga katrabaho at partner sa negosyo.