Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante patay P.1-M tinangay ng holdaper

082714 police line crimeBINAWIAN ng buhay at natangayan ng P100,000 cash ang isang negosyante sa Roxas Boulevard, nitong Miyerkoles ng umaga.

Bagama’t naisugod ay binawian din ng buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Honrado Hernandez, 47, may-ari ng car rental business at isang maliit na restaurant.

Ayon sa maybahay ng biktima na si Thelma, galing sa banko ang kanyang mister at nag-withdraw na ibabayad sana sa gasolinahan para sa kanilang negosyong car rental.

Patawid ng service road ng Roxas Boulevard, tapat ng CCP, si Hernandez nang bigla na lamang lapitan ng isang lalaki at pinagbabaril.

Sunod na hinablot ng suspek ang bag ng biktima na may lamang tablet, cellphone at perang aabot sa P100,000.

Ayon sa testigo sa insidente, may backup na naka-angkas sa motorsiklo ang suspek.

Hinihinalang tatlo ang bilang ng mga suspek sa krimen na pawang naka-motorsiklo nang tumalilis.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …