TOTOO kaya ang kumakalat na chikang pinagtsutsugi raw ni Kris Aquino ang mga kasambahay niya all because sila raw ang source of chismis sa buhay niya?
We heard that Kris was so frustrated dahil sa mismomg mga kasambahay pa raw niya nanggagaling ang chismis about her kaya lumalabas ito sa mga showbiz column.
With that ay naimbiyerna na raw ang Queen of Talk at isa-isa niyang tsinugi ang kanyang mga alalay sa bahay.
Teka, baka naman mayroong nagsulsol sa kanya na tsugiin ang kanyang mga katulong sa bahay, hindi kaya?
True ba ito, Kris?
Ang isa pang chika, nagtitipid na rin daw si Kris kaya pinagtsutsugi na rin daw nito ang kanyang mga publicist. Isa na lang daw ang mine-maintain ngayong publicist ni Kris, ang Fashion Pulis blogger na talagang pinagpala raw niya sa kanyang Christmas gift.
So, mas nananalig si Kris sa Fashion Pulis blogger kaysa mga rati niyang publicists?
ni Alex Brosas