Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, kahilera na sina LT, Carmi, at Glydel sa paseksihan

HAPPY kami sa takbo ng career ni Meg Imperial dahil hindi naging maramot ang 2014 sa kanya.

Mas lalong darami ang nagpapantasya at mag-iinit sa tinaguriang desirable star dahil siya ang bagong White Castle Girl para sa 2015. Kalinya na niya ang mga nagseseksihan sa kanilang henerasyon gaya nina Lorna Tolentino, Carmi Martin, Glydel Mercado, Cristina Gonzales, Roxanne Guinoo, RR Enriquez, Angela Velez atbp..

“Nagpapasalamat ako, kasi, siyempre ang dami ng dumaan sa White Castle. To think, marami namang mapagpipilian tapos ikaw ‘yung napili. Sobrang nakatutuwa na ako ang gagawa ng campaign na sinimulan since 1974. I hope hindi sila ma-disappoint,” deklara ni Meg sa isang panayam.

Tuloy-tuloy na ang suwerte ng career ni Meg simula nang mapunta siya sa Kapamilya Network. Napasama siya sa seryeng Galema: Anak ni Zuma at naging bida sa Moon of Desire. Tutok naman siya ngayon sa pelikula ng Star Cinema with Sam Milby at Coleen Garcia entiled Ex with Benefits.

Mabait at masunuring anak kasi si Meg kaya pinagpapala at inuulan ng blessings.

Talbog!

ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …