Thursday , June 4 2026

Fast food manager nagbaril sa ulo

072514 Suicide Gun deadCEBU CITY – Patay na nang madatnan sa loob ng kanilang bahay sa isang subdivision sa Brgy. Dumlog, lungsod ng Talisay, Cebu ang isang manager ng kilalang fast food chain kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si John Basallo, 35, may asawa, at residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng homicide section ng Talisay City Police Office, ipinagtaka ng asawa ng biktima kung bakit nakasara ang kanilang gate at napakadilim ng kanilang bahay nang siya ay dumating galing sa trabaho kaya kinabahan siya.

Ayon sa asawa ng biktima na si Leizel Basallo, hindi niya mawari ang kanyang kaba kaya agad siyang pumasok sa kanilang bahay.

Tumambad sa kanya ang katawan ng biktimang duguan at may hawak na .38 caliber revolver.

Sinasabing may tama ng bala sa ulo ang biktima na siyang dahilan ng agaran niyang pagkamatay.

Nabatid na depresyon sa trabaho ang sanhi nang pagpapakamatay ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …