Saturday , November 23 2024

Jollibee walang proteksiyon sa kanilang longtime partner and franchisee!

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI natin kayang bilangin ang alaala para sa ating mga kababayang overseas Filipino workers (OFWs) at sa kanilang pamilya ng kauna-unahang Jollibee sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 doon sa ramp area.

Ang nasabing Jollibee ay bahagi ng pagdating at pag-alis ng isang pangkaraniwang OFW sa kanyang pamilya. Dito sila nagsasalo-salo, bago tuluyang mangibang-bayan ang OFW o kaya naman, bago sama-samang mag-shopping sa Duty Free.

Maraming malalaking nagosyante noon ang hindi naniniwalang magtatagal ang nasabing Jollibee sa NAIA T1. Nasa labas kasi ng airport. ‘E yung ibang swapang na concessionaire ang pinili talaga nila ‘yung sa loob o nasa airport passenger terminal. Ang nakakuha nga ng mga puwestong ‘yan at malalaking area ‘e alam n’yo na … ‘yung isang greedy Singaporean concessionaire na ipinagmamalaki ang kanyang ‘class’ na restaurant.

Pero nang nag-boom ang Jollibee at lumakas nang husto, na halos 16 years na ngayon, ‘e nakaisip magpalit ng negosyo si Singaporean concessionaire.

Wala naman tayong masamang tinapay sa concessionaire na tinutukoy natin, katunayan, naiintindihan natin siya. Negosyo ‘yan. Kung magkakaroon nga naman siya ng pagkakataon na maisalba ang kanyang bumagsak na restaurant bakit nga naman hindi.

Ang mukhang may diperensiya dito ‘e ‘yung mismong Jollibee. Tila wala silang proteksiyon sa kanilang franchisee na matagal na nilang partner sa negosyo.

Kabilang sa nagpalakas ng kanilang kompanya kung kaya nga kinilala ang kanilang produkto. Hanggang magkaroon na nga ng franchise sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

At mukhang ‘yun ang nalimutan ni Mr. Tony Takawtiong ‘este Tancaktiong. Nalimutan niya ang kanyang mga longtime partner sa pagpapalago ng Jollibee.

Kitang-kita ‘yan nang payagan niyang magkaroon ng isang franchisee sa NAIA terminal 1. Nakuha na nga ng nasabing bagong franchisee ang NAIA terminal 2 and 3, ngayon gusto pang kompetensiyahin ‘yung longtime franchisee sa NAIA terminal 1.

Tama ho ba ‘yun?!

‘E parang hindi na langhap-sarap ang bagay na slogan d’yan kundi, langhap-swapang na!

Mr. Tony takaw-tiong ‘este Tancaktiong, ang daming nagbigay sa iyo ng award dahil phenomenon talaga ang pagbongga ng Jollibee. At hindi mangyayari ‘yan kung hindi dahil sa mga franchisee ninyo na naging tapat sa inyo.

Kayo ba ay naging tapat sa kanila?! Binibigyan n’yo ba ng proteksiyon ang mga longtime partner and franchisee ninyo?!

‘E parang ang gusto ninyo mag-away-away lang ang mga franchisee ninyo tapos matira ang matibay?! ‘Wag namang ganoon.

Ngayon ninyo ipakita na marunong kayong lumingon sa mga taong nakatulong ninyo sa pag-unlad ng negosyo ninyo!

Bida ang sarap o bida ang salapi para sa bagong slogan ng Jollibee!?

Nasaan na ang tatlong Spokesperson ni VP Binay?

SAAN kaya napunta ‘yung tatlong matatapang na spokesperson ni VP Binay na sina Rep. Toby Tiangco, Atty. JV Bautista at Gov. Jonvic Remulla?!

Bakit parang biglang natameme ‘yung tatlo lalo na si Tiongce ‘este Tiangco sa bumabagsak na ratings sa mga survey kay VP Jejemon ‘ehek mali Jejomar Binay?

Aba, ngayon kayo kailangan ng bossing ninyo.

Malaki ang idinausdos ng kanyang popularidad sa pinakahuling survey at ‘yan ay dahil sa kabila’t kanang pagsingaw ng kung ano-anong anomalya at iregularidad na ikinukulapol sa kanya.

Ngayon kailangan ang inyong pagtatanggol. Bakit nawawala ‘ata kayo?

Isang taon mahigit pa bago ang eleksiyon. At kung hindi kayo naging handa, malamang marami pang lalabas na kung ano-anong iregularidad.

Alalahanin ninyong ganyan din ang nangyari kay Senator Manny Villar.

Tsk tsk tsk …

Mahaba pa ang laban pero mukhang hindi effective sina Tiangco, Bautista at Remulla sa kanilang amo …baka nga sila pa ang dahilan ng bumababang survey ratings ni VP Binay?

Ano kaya palitan na ngayon ni VP Jojo Binay ang kanyang mga spokesperson?

While there’s still time to save the Vice President?!

Dapat imbestigahan sina Joya at Hotchkiss sa CAAP!

KAMI po ay mga nagkakaisang empleyado ng CAAP nais po namin iparating s inyo ang mga maling pamamalakad sa loob ng aming ahensya. Una, “Nepotism.” Paki-imbestigahan naman ang mga anak nila JOYA at HOTCHKISS na sina Atty. Rania Joya at Steven Hotchkiss. Pangalawa, “corruption” sa mga procurement ng CCTV, fire eqpmnt systems, navigational system at mga “overpricing” renovation sa Airport. Panawagan po sa COA, CSC, SEC. ABAYA sa ating MAHAL NA PANGULO hindi po ito ang TUWID NA DAAN! +63942361 – – – –

Tahimik na lugar ginulo ng pusher at snatchers

Dear Sir,

Ako po ay isang pangkaraniwang mmamayn nakatira d2 s dating tahimik na bkanteng lote tapat ng Meralco, Harrison St. Pasay City. Ngunit ngaun po ito’y ay naging isang impiyernong puro holdaper, snatcher at drug pusher na isinusuka ng buong Pasay dhil s kasamaan.

Ang lahat pong ito ay nagsimula nang dumating ang isang alyas Benjie n nagpakalat d2 ng ipinagbbawal n gamot o shabu, malakas po dw ito s pulis kya hnd po hinuhuli, snay matulungan mo kming masugpo ito o mahuli. +63977213 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *