KOMPISKADO ang P5.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa sinalakay na bahay sa Brgy. Datu Esmael sa Dasmariñas, Cavite.
Sa bisa ng search warrant ng mga pulis, pinasok nila ang bahay na sinasabing pinanggagalingan nang ibinibentang illegal na droga.
Nakuha rito ang humigit-kumulang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nakapakete.
Bukod dito, nasamsam din ang kalibre .38 baril, magazine at mga bala na pawang hindi lisensyado.
Sa isa pang bahay, narekober nila ang dalawang kalibre .45 baril, isang kalibre .42 at isang airgun.
Beth Julian