Thursday , June 4 2026

2 todas sa hostage taking sa Cavite

121314 imus hostage7PATAY ang empleyado ng isang lechon manok food chain makaraan i-hostage at burdahan ng saksak ng kapwa empleyado na napatay rin ng nagrespondeng mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Imus, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na isang Richard alyas Noynoy, tubong Leyte, stay-in worker ng Pearl Lechon Manok, sa Brgy. Tanzang Luma, Imus City.

Si Noynoy ay binaril ng mga pulis nang lumaban makaraan i-hostage at mapatay sa saksak ang biktimang si Jerry Anire, dispatcher ng nabanggit na lechon manok food chain.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Police Director, Sr. Supt. Jonnel Estomo, dakong 3:00 a.m. kinausap ng suspek ang biktima na kung pwede siyang tulungan at samahan sa pag-deliver ng mga manok sa kanilang mga outlet ngunit tumanggi ang biktima na ikinapikon ng suspek.

Sa galit ng suspek, ini-hostage ang biktima at inundayan ng saksak.

Beth Julian

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …