Thursday , June 4 2026

BBL isinalin na sa Filipino (Para lubos na maunawaan ng mamamayan)

121114 BBLISINALIN na ng pamahalaan sa wikang Filipino ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), na nakabinbin sa Kongreso upang lubos na maunawaan ng mga pangkaraniwang mamamayan, partikular ng mga taga-Mindanao.

Isinapubliko kahapon sa isinagawang forum ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang 78-pahinang dokumento na House Bill No. 4994 na isinalin sa Pambansang Wika ni Roberto Anonuevo, KWF director general.

Aniya, ito ang unang pagkakataon na isinalin sa Filipino ang isang panukalang batas dahil ito’y ginagawa lamang nila sa mga ganap ng batas.

Hiniling aniya ng partylist-group na Anak Mindanao sa KWF ang pagsasalin sa wikang Filipino ng BBL upang magamit nila sa pagpapaliwanag sa mga taga-Mindanao lalo na’t isasalang sa plebisito ang pag-aapruba rito.

Sinabi niya na upang magampanan mabuti ng KWF ang trabahong pagsasalin sa Pambansang Wika sa mahahalagang dokumento, gaya ng mga batas, nananawagan siya na dagdagan ang budget ng komisyon sa P100 milyon mula sa inilaang P41 milyon sa 2015.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …