Saturday , November 23 2024

Technician nag-amok tigok sa parak (Kinulam ng kaanak)

112514 deadPATAY ang isang 27-anyos technician, pinaniniwalaang kinukulam ng kanyang mga kaanak sa probinsiya, nang barilin ng pulis makaraan manghalihaw ng saksak at tinangkang putulin ang kanyang ari kamakalawa ng hapon sa Sta.Cruz, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, naganap ang insidente dakong 1 p.m. sa eskinita sa panulukan ng Kusang Loob at Mayhaligue Sts. Sta. Cruz, Maynila.

Tatlong araw pa lamang mula nang dumating ang suspek na si Ricky Buendia, 27, ng 1120 Kusang Loob St., mula sa Cagayan Valley na lalawigan ng kanyang asawa, bago naganap ang insidente.

Ayon sa ina ng suspek na si Gina, sinabi ng kanyang anak ang katagang “Inay, kung may mangyari sa akin, bahala na kayo.”

Sinabi ni Gina na parang sinapian ang kanyang anak o kinulam sa Cagayan dahil talon nang talon at sinasabing “Tama na, tama na, hindi ko na kaya.”

Aniya, ipinagamot nila sa albularyo ang suspek na sinabing nakulam nga ang kanyang anak at ang target ng mangkukulam ay ang ‘ulo sa itaas, at ulo sa ibaba’ ng anak kaya namimilipit sa sakit.

Hanggang sa bigla na lamang, manghalihaw ng saksak ang suspek kaya humingi ng tulong sa mga pulis ang kanyang mga kaanak.

Nakiusap ang mga pulis na bitiwan ng suspek ang kutsilyo ngunit hinalihaw sila ng saksak.

Bunsod nito, pinaputukan ng isa sa mga pulis ang suspek. Bagama’t duguan ay binuksan ng suspek ang zipper ng kanyang pantalon at tangkang putulin ang ari ngunit napigilan ng kaanak.

Tinangka rin laslasin ng suspek ang kanyang leeg ngunit biglang nawalan ng malay at nalagutan ng hininga dahil sa tama ng bala.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *