SUGATAN ang apat pulis makaraan salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang mobile patrol kahapon sa Quezon City.
Kinilala ang mga biktimang sina PO1 Christopher Bermejo, 34; PO3 Carlito Seneres, 53; PO3 Reynaldo Sarmiento, 46; at PO3 Rolando de Guzman, 36, pawang mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) Station 1.
Habang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Marciano Sarito, 54, driver ng Dela Rosa bus (UYE-973).
Ayon kay PO2 Antonio Tabios ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, naganap ang insidente bandang 12 a.m. sa EDSA south bound sa harap ng Global Market, Balintawak, Brgy. Apolonio Samson, ng lungsod.
Sinabi ni Tabios, nagpapatrolya ang mga biktima nang suwagin ng bus ang likurang bahagi ng sinasakyan nilang mobile patrol 146.
Nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries.
Jethro Sinocruz