Thursday , June 4 2026

Kasalang Vic at Pauleen, sa 2015 na nga ba magaganap?

083014 Vic sotto Pauleen luna

00 fact sheet reggeeSA grand presscon ng My Big Bossing na pinangungunahan ng real life sweethearts na sina Vic Sotto at Pauleen Luna ay mariin nilang itinanggi na ikakasal na sila sa 2015.

May kumalat kasi na hiningi na raw ni bossing Vic ang kamay ni Pauleen sa magulang nito.

Imbes na sagutin ay nagbiro si bossing Vic ng, “another press conference for that. Wala pa.”

Dinugtungan naman ni Pauleen ng, “Wala pa po naman.”

Hirit ulit ni Vic, “hindi ko nga alam bakit sila naiinip. Kung kami nga hindi naiinip sila naiinip.”

Nabanggit pa ng aktres na hindi siya napi-pressure sa mga nagtatanong kung kailan sila ikakasal o kailan sila pakakasal dahil steady lang daw siya at sa tingin niya ay si bossing Vic ang napi-pressure sa isyung ito.

“Ako I am just thankful na ako ngayon lang natatanong ng ganito kasi siya matagal-tagal ng natatanong ng ganito. Mas pressured siya, less pressure on me,” nakangiting saad ng dalaga.

112814 vic marian ryzza

Ang TV host/actor/producer na ba ang gustong makasama ni Pauleen sa buhay niya, “I guess I can say that, oo. Wala namang problema ang pamilya ko,” say ng aktres.

Kung dati raw ay may mga isyu siya sa mga anak ni Vic tulad noong na-link siya kay Oyo na asawa na ni Kristine Hermosa ay okay na raw ngayon.

“Hindi ko lang po siguro ipinilit ‘yung sarili ko, I just let things happened on their own. Hindi ko po pinuwersa ang sarili ko sa kanila,” katwiran ng dalaga.

Nabanggit din na maging ang dating asawa ni Vic na si Dina Bonnevie ay boto rin daw kay Pauleen, “that’s nice to know. Natutuwa ako coming from his ex,” nakangiting say pa.

At inamin din ni Pauleen na sa tatlong taong relasyon nila ni Vic akala niya ay kilalang-kilala na niya ang aktor, hindi pa pala dahil marami raw siyang nadiskubre habang nagso-shooting sila ng My Big Bossing na akala niya ay trabaho lang, seryoso at sungit-sungitan, hindi raw pala, “he’s very patient, pantay-pantay ang tingin sa lahat, at nakikipaglaro sa mga bata, akala ko laging seryoso (ganoon daw kasi sa tapings),” say pa.

At ang nabago naman daw kay Pauleen ay, “I learned to be selfless in this relationship so I guess ‘yun na po ang pinaka (meaning) ng true love.

“Siguro I can say na at this point I’m very contented and I don’t think mayroon pang mas gaganda roon sa lugar at feeling na ‘yon.”

Bagamat partners in life sina bossing Vic at Pauleen ay hindi naman sila ang magka-partner sa My Big Bossing.

Trilogy ang My Big Bossing na unang beses ginawa ng MZet, Octoarts, at APT Productions kaya birong sabi ni Vic ay para siyang gumawa ng tatlong pelikula at triple ang gastos.

Ang direktor sa Sirena episode ay si direk Tony na pagbibidahan nina Wally Bayola, Manilyn Reynes, at Pauleen Luna. Si direk Marlon naman sa Taktak na sina Marian at Jose Manalo ang bida at si direk Joyce naman sa Prinsesa na gagampanan ni Ryza Mae, Alonzo Muhlach, at Nino.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …