Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kevin Balot, talo pa ang tunay na babae sa ganda at kinis

112614 kevin balot

00 fact sheet reggeeSI Miss Philippines International Queen 2012, Kevin Balot ang gaganap na Jennifer Laude sa documentary film ng Imbestigador na mapapanood sa GMA7.

Si Kevin ang unang nanalong transgender na kinatawan ng Pilipinas na ginanap sa Pattaya City Island, Thailand 2012.

Ayon kay Kevin na kamakailan lang nagpa-opera para maging ganap na siyang tunay na babae ay, “Ang bagong gawa ngayon, pinapasok lahat, ang tinanggal lang ‘yung eggs (genital balls), tapos the rest of the part of genitalias, pinasok lahat para may sensation.”

Tinanong namin kung wala bang side effects sa pagtanggal ng eggs, “hindi naman, eh, ‘di sana patay na ako?” natawang sagot ni Kevin.

Dagdag pa, “one month healing period, pero kailangan mong ipahinga ng two months bago magamit.”

Noong unang operasyon daw niya noong January 2013 ay kasama sa premyo niya bilang Miss Philippines International Queen.

“Noong sumali ako sa beauty contest, pre-op (hindi pa operada) pa ako noon,”

Samantala, ang ganda-ganda ni Kevin at maski saan mo tingnan ay hindi mo iisiping transgender siya dahil daig pa niya ang mga tunay na babae sa ganda ng kutis.

Natawa si Kevin, “alaga ‘yan ng Finessa Aesthetica na siguro sa pagiging loyal customer ko sa kanila, kinuha na nila akong endorser, ha, ha.”

At dahil sa magandang serbisyo raw ng Finessa Aesthetica ay pinost daw lahat ni Kevin ang mga nabago sa kanya na hindi naman niya alam na tatanungin siya ng followers niya sa social media na naging dahilan kaya nagka-interes ang head ng nasabing clinic na si Dra. Coco Tiongson.

May abogadong boyfriend si Kevin, “two years na kami ng boyfriend ko. Hindi pa ako operada noong naging kami.

“Ang boyfriend ko kasi hindi naman siya nagsisilbing coach na gawin mo ‘to, gawin mo ‘yan, parang cheerleader ko ‘yun, bahala ako kung ano ang gusto kong gawin.

“At saka ang tingin sa akin ng boyfriend ko, babae na talaga at lagi kong sinasabi sa kanya, ‘wag mo pa ring tanggalin sa isip mo na ipinanganak akong lalaki (hindi magkakaanak).”

Niyaya na raw si Kevin na magpakasal sa Canada ng boyfriend niya, “ako pa ‘yung hindi ready, sabi ko bata pa tayo, 26 palang siya at hindi pa niya kayang (buhayin ako), ha, ha, ha wala pa siyang ipon, baka umutang pa siya sa akin, ha, ha.”

Nakatapos ng Nurse si Kevin pero hindi na nakapag-board dahil naging busy na siya sa kararaket dahil siya mismo ang nagpaaral sa sarili niya dahil naglayas siya sa bahay nila.

“Noong elementary ako, malamya palang, ng mag-high school na ako, roon na kaya talagang galit ang tatay ko, kasi gusto niya sumunod ako sa yapak niya bilang engineer, eh, hindi nangyari.

“Kaya after high school umalis na ako sa amin, sumali na ako sa iba’t ibang beautycon at ako ang nagpa-aral sa sarili ko.

“Kaya walang nagawa ang tatay ko kasi lumaki naman akong maayos, sabi nga niya, ‘walang dahilan para hindi kita tanggapin, masuwerte ako kasi lumaki kang ganyan, baka kung naging lalaki ka, baka naging adik ka pa.’

“So ngayon, okay na kami, ‘yung bunso kong kapatid kasama ko ngayon, ako nagpapa-aral sa kanya at kuya pa rin ang tawag sa akin ‘pag kami-kami lang dahil sabi ko sa kanya, ‘kapag nasa labas na, ‘wag mo akong matawag-tawag na kuya, sasakalin kita,” kuwento ni Kevin tungkol sa pinagdaanan niya sa buhay.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …