Sunday , May 19 2024

Be Careful With My Heart, magtatapos na ngayong Biyernes

070814 Be Careful concert

00 Alam mo na NonieMATAPOS mamayagpag sa ere sa mahabang panahon, magtatapos na ngayong Friday ang Be Careful With My Heart na kinagiliwan ng maraming suki ng Kapamilya Network tuwing tanghalian. Ang naturanag TV series na tinatampukan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ay nagsimulang umere noong July 9, 2012. Kaya inabot ito ng higit dalawang taon sa ere.

Sabay-sabay na masasaksihan ng Kapamilya viewers sa buong mundo ang finale ng top-rating feel-good habit ng bayan dahil ngayong Biyernes Nobyembre 28, magkakapit-bisig ang lahat ng Pilipino para sa “Global Kapit-Bisig Day” na sabay ipalalabas ang “happy ever after” ng love story nina Maya at Ser Chief sa ABS-CBN at The Filipino Channel (TFC) website na www.TFC.tv.

Bukod sa telebisyon, mapapanood din ang Be Careful With My Heart finale sa Internet sa pamamagitan ng Becareful.ABS-CBN.com at iWanTV.com.ph. Sa huling linggo ng programang minamahal ng lahat, ano pang mga pangyayari at pagsubok ang magkasamang haharapin nina Ser Chief at Maya sa pagkamit nila ng kanilang “happy ever after?”

Huwag palampasin ang “moments of love and happiness” sa huling linggo ng Be Careful With My Heart, 11:30AM, bago ang It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

 

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *