Thursday , June 4 2026

Maxene, pang-kontrabida muna

ni Ed de Leon

112414 Maxene Magalona

OKEY lang naman daw para kay Maxene Magalona kung siya man ay isang kontrabida ngayon sa isang teleserye na mapapanood na ninyo sa prime time, iyongDream Dad na ang bida ay si Zanjoe Marudo at ang batang si Jana Agoncillo.

Ang totoo, nagustuhan daw niya ang role kaya tinanggap niya iyon at saka iyan nga ang seryeng ang lumalabas namang leading lady talaga ay ang batang si Jana. Maraming leading ladies diyan pero lumalabas na lahat nga sila ay support lang dahil kuwento iyon ng isang binata at isang bata na nakakita sa kanya ng isang dream dad.

Dati nga lagi siyang bida sa pinanggalingan niyang network, pero ganoon naman talaga ang buhay ng isang artista. Kailangan din naman pabago-bago ka ng role. Kahit na support siya ok iyan dahil mapapanood naman siya sa prime time ng regular, kaysa naman sa rati na pa-guest-guest na lang siya sa mga show.

From Dream Dad, baka may makita naman silang isang role na babagay sa kanya sa mga susunod nilang serye at siya naman ang maging bida ulit. Ang mahalaga lang naman sa isang artista ay iyong tuloy-tuloy ang career.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …