Thursday , June 4 2026

Totoy todas sa baril ng senglot na ama

082914 dead babyPATAY ang isang 10-anyos batang lalaki nang tamaan ng bala ng baril na pinaglaruan ng lasing niyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa dibdib ang biktimang si Jefferson Gutirrez, ng Phase 3, Hipon Alley, Brgy. 12, Dagat-dagatan ng nasabing lungsod.

Habang kusang loob na sumuko ang suspek na si Glenn Gutierrez, 44, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong 10:45 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama.

Napag-alaman, habang lasing ay pinaglaruan ng suspek ang kanyang baril sa kanilang bahay nang bigla itong pumutok.

Minalas na nahagip ng bala ang biktimang natutulog sa kanilang sala kasama ang nakatatandang kapatid na babae.

Isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …