ni Ed de Leon
KAHIT na binata pa, sinasabi nilang mukha ngang si Zanjoe Marudo talaga ang Dream Dad, dahil mahilig siya sa mga bata, at kahit na nga sa set ng kanilang serye, sinasabing nakikipaglaro pa siya sa kanyang five year old leading lady na si Jana Agoncillo.
Usually iyang mga artista, dahil sa napakarami nilang activity ay laging pagod iyan at kulang sa tulog, lalo na nga iyang ganyang may ginagawa siyang serye, ang schedule niyan ay tatlong araw isang linggong puyatan. Kaya nga karaniwan na sa kanila iyong habang hindi pa sila ang kinukunan sa taping nila, natutulog sila. Pero alam nga ni Zanjoe na ang kasama niya ay bata, at makabubuting mag-bonding sila talaga para mas madali ang kanilang trabaho, kaya iyon ang kanyang ginagawa.
Nagkakasundo naman daw talaga ang dalawa, kaya nakikita naman nating maganda ang rehistro kahit na sa kanilang serye.