Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella Cruz first time nag-daring sa Bagito role itinuturing na challenging

111914 ella cruz nash

00 vongga chika peterMaselan ang tema ng latest project ng Dreamscape Entertainment para sa teleseryeng “Bagito” na tumatalakay sa batang ama na ginagampanan ni Nash Aguas kasama ang kalabtim na si Alexa Ilacad. Pero nagtagumpay ang production na pinamumunuan ni Sir Deo Edrinal dahil simula nang ipalabas ito noong Lunes ay consistent ang serye sa mataas nitong ratings.

Sobrang relate kasi ang young generation sa show specially sa mga bagets na tulad ng character na ginagampanan ni Nash, na sa murang edad ay nakabuntis nang maaga. At para rin sa buong pamilya ang nasabing serye kung saan ipinapakita rito ang relasyon ng magulang sa anak. Bukod kina Nash at Alexa agaw-eksena rin dito si Ella Cruz na tagumpay sa unang attempt sa pagganap ng daring role bilang si Vanessa ang babaeng nadisgraya ni Drew (Nash). Hindi raw halos makapaniwala ang dalaga na makakayanan niyang gawin ang bed scene nila ng bidang si Nash.

“Grabe! Hindi ko talaga akalain na makagagawa ako nang ganito. Ito na talaga ‘yung isa sa pinaka-challenging role na ginawa ko sa buhay ko. Kaya ibinigay ko na rin talaga ang best ko,” nakatawang bungad ni Ella. “Medyo na-shock lang kasi ako dahil paulit-ulit talaga siyang ipinapakita kasi may flashback pa. I don’t know talaga how to react, hindi ako sanay,” dagdag ng Kapamilya youngstar.

Sa tanong kung paano siya nakumbinsi ng Dreamscape na tanggapin ang role ay narito ang tugon ni Ella. “Eighteen din naman si Vanessa (karakter na pino-portray sa Bagito) kaya ko siya kinuha dahil sa karakter niya mismo. Sobrang challenging niya po kasi. Binalewala ko lahat, alam nating for sure, may masasabi at masasabi sila, pero I’m just being professional po,” paliwanag ng petite actress. Ano naman kaya ang naramdaman ng dalaga nang gawin ang maseselang eksena sa serye? “Sobrang kabado po naming parehas. Sabi ko, ‘ah, 18 na talaga ako.’ Si-nabi naman po nila sa akin na may eksena at alam ko na darating din naman sa punto na gagawa ako ng gano’ng eksena. Sabihin na natin na medyo napaaga lang, saka maganda naman po talaga ‘yung show e. ‘Yon ang inisip ko, ang ganda ng character ni Vanessa para i-let go ko ‘yung show e,” diin ng aktres na super sexy nang mag-attend sa special screening ng Bagito last week sa 14th floor ng ELJ Bldg.

Diretso lang ang pagtutok gabi-gabi sa Bagito bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng Kapamilya network. Bawat episode ay hindi lang kayo ma-i-excite sa inyong panonood kundi kapupulutan pa ng aral.

Korek! Ang Bagito, ang teleseryeng worth watching gyud!

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …