Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Guaranteed Contract” hiling sa GMA para sa alagang aktor (John Prats pinag-iilusyonan ng manager! )

042814 John Prats

00 vongga chika peterPagkatapos mapanood sa PBB All In kasama na ang regular daily gag show sa Kapamilya network na “Banana Nite” at “Banana Split” na napanonood tuwing Sabado, nagdesisyon na si John Prats na iwan na ang kinalakhang ABS-CBN at lumipat sa GMA 7.

Kung pagbabasehan ang madalas na post ni John sa kanyang Instagram account ay pirmahan na lang ng kontrata ang kulang at certified Kapuso star na ang dancer-actor.

Kaso, as of presstime, mukhang may aberya sa pag-oober da bakod ni John at kumakalat ngayon sa social media na may bagay na inaayos pa raw ang manager ni John na si Arnold Vegafria dahil hindi raw pumapayag sa per project contract na offer ng estasyon sa alaga. Ang hiling o demand raw sa bigwigs ng GMA ay “guaranteed contract” para kay John na sabi ay hindi sinasang-ayonan ng management.

Well for us, parang mali na ang mag-demand ng ganito si Arnold lalo pa’t hindi naman maituturing na big star si John. Siguro kung si Piolo Pascual o John Lloyd Cruz ‘yun ay instant aalukin ang dalawa ng guaranteed contract kasi nga malalaking artista gyud!

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …