Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Garin, Catapang umepal lang? (Sa pagbisita sa Caballo Island)

111914 garin catapangWALANG ideya ang Palasyo kung may basbas ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagdalaw nina Health Undersecretary Janette Garin at Armed Forces Chief of Staff Gen. Pio Catapang sa peacekeepers na sumasailalim sa quarantine process sa Caballo Island nang walang suot na protective gear.

Sinabi ni Coloma, hindi niya alam kung nagpaalam o kailangan pang humingi ng basbas sina Garin at Catapang sa Pangulo sa aniya’y pagtupad sa opisyal na tungkulin nang bisitahin ang peacekeepers sa isla.

Aniya, dapat pagbigyan na si Garin bilang pinakamataas na opisyal ng Department of Health, at si Catapang na pinakamataas na opisyal ng Sandatahang Lakas ay may malawak nang karanasan sa kanilang trabaho kaya ang pagpunta sa Caballo Island nang walang suot na protective gear ay “binatay nila sa paggamit ng katwiran at paggamit ng tamang pamantayan.”

Ngunit sa kabila nito, naniniwala ang Palasyo na walang pa-ngangailangan para puntahan nang personal ang mga peacekeeper sa Caballo Island.

Simula’t sapol aniya, ang batayang prinsipyo ng administras-yong Aquino ay sundin ang mga patakaran, at health protocols na naaayon sa standards ng World Health Organization at iba pang mga internationally reputable organizations, katulad ng centers for disease control.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …