Saturday , May 18 2024

Mag-ina patay sa QC fire

111914 fireKPWA namatay ang isang 72-anyos ginang at ang kanyang anak sa naganap na sunog sa Brgy. Valencia, Quezon City kahapon.

Dakong 11:08 a.m. nang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Elisa Ramos.

Sinabi ni QC Fire Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez, natagpuan sa unang palapag ng kanilang bahay, katabi lang ng pinagmulan ng apoy, sina Crisensia Trinidad, 72, at anak niyang si Evangeline, 43.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng binalikan ni Evangeline ang naka-wheelchair na ina ngunit hindi na sila nakalabas.

Dalawang oras lamang ang itinagal ng sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

Umabot sa 50 pamilya ang apektado ng sunog sa 25 kabahayan sa likod lamang ng Valencia Towers.

Isang fire volunteer ang nasugatan sa insidente habang P500,000 ang tinatayang pinsala ng sunog.

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *