Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA lalaro sa MoA sa Pasko

080914 PBA

KINOMPIRMA ni PBA Media Bureau Chief Willie Marcial na babalik sa Mall of Asia Arena ang Philippine Cup ngayong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Ito’y dahil may Disney on Ice ngayong Kapaskuhan sa Smart Araneta Coliseum.

“OK na ang MOA for Christmas. Inaayos lang kung ano ang schedule namin,” wika ni Marcial. “Malamang, isang game kapag semis. And since Christmas Day falls on a Thursday, aayusin namin with TV5 kung anong oras magsisimula ang laro. Baka 5 o 6 pm.”

Taun-taon ay may laro ang PBA tuwing araw ng Pasko simula pa noong 2002 nang tinalo ng Coca-Cola ang Alaska upang magkampeon sa Philippine Cup.

Sa araw ng Pasko noong isang taon sa MOA, tinalo ng Air21 ang Globalport, 109-103 samantalang pinabagsak ng Barangay Ginebra San Miguel ang Petron Blaze (ngayon ay San Miguel Beer), 97-83.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …