Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pnoy walang nilabag — Palasyo (Sa ‘stop probe’ vs Binay sa Senado)

111314 pnoy0NANINIWALA ang Palasyo na walang nilabag na batas si Pangulong Benigno Aquino III nang ipaabot kay Senate President Franklin Drilon ang pakiusap ni Vice President jejomar Binay na itigil na ang pag-iimbestiga ng Senado sa sinasabing nga katiwalian at ill-gotten wealth ng bise presidente.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang nakasaad sa Saligang Batas na hindi pwedeng mag-usap ang dalawang opisyal ng pamahalaan hinggil sa mga isyung may kaugnayan sa iba pang mga opisyal ng gobyerno.

“None. Is there anything in the Constitution that the two leaders cannot speak or is there anything in the Constitution that states that they cannot speak about matters concerning other officials?” ani Valte.

Binigyang diin ni Valte na walang hininging pabor ang Pangulo kay Drilon, bagkus ay ipinarating lang niya sa Senate President ang kahilingan ni Binay.

”We do not see anything improper about the pres conveying the message. Walang hiningi ang Pangulo, a message was conveyed lets draw the distinction bet pressure, asking to do something and being merely a conduit to relay a message,” dagdag pa niya.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …